Hindi biro ang ganitong klase ng relasyon… marami nagsasabi na napaka-imposible.. pero sino mag aakala na may ilan nag uumpisa sa isang LDR ay sa huli, totoong nagkakatuluyan…
Paano ba ang relasyong ito?? Mas mahirap at mas nasasaktan ka na, pero patuloy ka pa din lumalaban at naghihintay… kung minsan pwede mo naman ng iwan yung taong yun, kasi malayo naman siya, pero hindi mo kayang gawin kasi Mahal mo ng todo… Mas mahirap na komunikasyon, pero mas natutuwa na kayo kahit makita lang sa webcam ay masaya na… yung makausap lang ay masaya na.. at siguradong buo na ang araw nyo… At kahit maraming tao nakapalibot sa iyo,at mas better pa sa taong mahal mo sa malayo… but still, hindi mo kayang lokohin ang mahal mo… kung minsan may tampuhan, sobrang nami-miss mo na agad… at mas iiyakan mo pa… Handang maghintay kahit imposible… Pinipilit magpakatatag sa kabila ng hirap at sakit…. at buo ang Tiwala kahit hindi nakakasama…
Hindi talaga isang biro ang mga taong involve sa LDR, dahil naniniwala na magwo-work sa kabila ng malayong distansya.. at lalo na darating ang panahon na magkikita din ng Personal…
-
simplymhaiko reblogged this from jimda and added:
❤😭😢💏💑
-
jimda posted this